Nang tanungin ako ni Alyza kung ano ang URL ng blog ko ay sinabi kong wala akong blog. Ang totoo meron naman, pero nakalimutan ko na. Palagay ko kasi hindi naman ako marunong mag-blog at wala namang nagbabasa ng blog ko kaya parang wala ring kuwenta.
Pero, sabi kasi ni Jordan ay mandatory ang post-workshop blog, kaya binalikan ko ang blogspot at sinubukang buksan ang blog ko. Hindi ko na nga mabuksan kaya humingi na ako ng password reset. At iyon na nga ang URL pala ng blog ko ay jagunap.blogspot.com. LOL! Totoo, nakalimutan ko talaga.
Pero, hindi nga ako marunong mag-blog eh. Kaya hindi ko rin kung papaano sisimulan ang sasabihin. Siguro, ano, ahhh, sisimulan ko sa pagsasabi na....
....Maraming salamat sa IYAS, sa mga fellows at panelists, at sa host, sa magandang pag-alaga sa amin. Ang IYAS ay isang eksperensiyang hindi ko makakalimutan. Maraming-maraming salamat.
....
....
Teka!
Mukhang ending na ‘yun ah.
Eh, ‘di tapos na?
....
....
Pero, paano nga ba ako napunta sa IYAS?
Nagsimula ang lahat ng iyun nang mag-email ako sa kaibigan ko na subukan niya ang praktis test ng Mensa. 14/30 ang score ko at alam ko namang mas mataas ang makukuha niyang score kumpara sa akin, pero curious lang ako.
Nang mag-reply ang kaibigan ko, sabi niya 19/30 daw ang score niya at saka may naka-attach na jpeg file – ang poster ng IYAS. Subukan ko daw.
Kaya sumali nga ako at mapalad namang napasama sa listahan ng mga fellows. First time kong sumali sa writing workshop kaya excited ako. Lahat na yata ng kakilala ko napagsabihan ko na na napasama ako. Nang matanggap ko kasi ang email na napasama nga ako eh, pakiramdam ko eh, sinabi rin nila sa akin na may future nga ako sa pagsusulat.
Sa lahat ng mga fellows, una kong nakilala ay si Jordan at saka si Gino. Lalabas ako, bibili ng toothbrush at tiempong kalalabas lang din nila sa kani-kanilang kuwarto.
Sunod kong nakilala si Paul, na ng una kong makita ay matagal na palang naghihintay sa akin, roommate ko pala siya at isa lang susi ng kuwarto. Si Paul ang pinakabata (18) at ako naman ang pinakamatanda (32).
Kinagabihan nga nun nakilala ko naman sina Gian, Anne, at Alyza, mga taga-ADMU at matagal nang magkakilala. Silang tatlo, ako, si Jordan, at si Paul ay magkasabay na pumunta sa bahay ni Dr. Elsie Coscolluela, kung saan ang Welcome Dinner para sa amin.
Ang iba pang mga fellows ay lunes ko na nakilala.
..............
Martes ng gabi, May 4, 2010,
Tumawag ang kaibigan ko sa akin at nagtanong kung kumusta naman ang IYAS. Sabi ko kailangan ko daw ayusin ang voice. Tapos sabi niya, ang ibig niyang sabihin eh, kung nakahanap ba daw ako ng GF dun. Na-house daw kasi, at sa mga ganung pagkakataon, kalimutan mo na ang voice voice na ‘yan. Dapat daw ang asikasuhin ay ang paghahanap ng GF. Sabi ko wala akong natipuhan eh. Kaya tinapos na niya ang usapan.
Pero, sino nga ba ang pinakamaganda sa Batch 10 ng IYAS?
Tingin ko si ano....
....Hindi ko na sasabihin. LOL! Secret.
Pero, mas crush ko ‘yong tour guide sa Balay Negrense. Sa LCC daw siya nag-aaral, tourism, Franchette ang pangalan. Pero dahil hindi nga ako matinik sa chicks at saka may bow of celibacy nga ako, hindi ko rin nakunan ng cell number o email address. Mas mabuti nga naman ‘yun. Dahil para sa isang wierdong katulad ko ang sex is between me, the pen, and the paper.
Dahil me, the pen, and the paper na nga ang pinag-uusapan, siguro tatanungin ko na ang sarili ko kung ano nga ba ang natutuhan ko sa IYAS.
Ano nga ba?
*explore characterization
*find the right voice
*each character must be distinct
*explore symbols
(yung iba pang na-discuss sa IYAS ay mababasa sa blog ni Alyza, < http://speakinginhushedtones.wordpress.com/2010/05/04/germination-on-the-10th-iyas-creative-writing-workshop/ > )
Kung tutuusin matagal ko na ring nabasa ang mga nasabi. Kaya siguro, ang tanong ay kung bakit hindi ko pa rin nalunasan ang mga iyun. Character, iyan ang problema ko, kaya diyan ako mag-focus. Siguro masyado lang akong nag-focus sa structure at nakalimutan ko ang character.
.......
Mga kamangha-mangha sa IYAS batch 10.
Si Anne, simple lang ang 50 pages.
Si Alyza, med-student, poet, at painter.
Si Arbeen, pasado sa poetry at shortstory, nagdo-drawing, at aktibista.
Kaya sa tingin ko, dapat ko nang harapin ang mga taong ito, at itaas ang aking mga kamay habang binabanggit ang salitang “ALIEN!”
......
Pero, ang mas naaalala ko sa workshop na ito ay ang “some things in between writing”.
Ang mga mga pagpasyal namin sa SM, sa Calea, sa Bacolod Inasal, ang inuman malapit sa USLS, sa the Ruins, sa Eco-park, at sa Balay Negrense; at siyempre ang mga kuwentuhan ng mga fellows at panelists tuwing break, dahil kasi dito napalapit kaming mga fellows at panelists sa isa’t-isa. Nakahanap ako ng mga bagong kaibigan. Sa mundo kasi ng pagsusulat, kadalasan ang kapwa mo rin writer ang tanging mga tao na makakaintindi sa iyo.
Kaya maraming-maraming salamat sa IYAS. At sa mga bago kung kakilalang writers, sana hindi magwawakas sa IYAS ang ating mga kuwentuhan.
ALIEN?
ALIEN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
Congrats para dito!
Aminin mo na ang crush mo! Haha!
Post a Comment